Mga anak ng mag-asawang Kramer, naghandog ng mga damit para sa Taal evacuees

268
(Chesca Garcia Kramer Instagram)

Ibinahagi ng aktres na si Chesca Garcia Kramer ang kanyang mga anak habang pinagsasama-sama ang kanilang mga lumang damit bilang donasyon sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sa Instagram account ng aktres, makikita ang kanyang mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin habang nasa harapan ang napakaraming damit na handa raw nilang ipamahagi sa Taal evacuees.

INNITY ADS

Aniya sa kanyang post, “Proud of my babies who volunteered to set aside all their pre-loved clothes to donate to those affected by the calamity that happened last week. ♥️”

Dagdag niya, nais daw ng kanyang mga anak na magkaroon ng kontribusyon at tulong para sa mga naging biktima.




“They wanted to be able to contribute through their own efforts, and own this moment as responsible and compassionate citizens. ♥️,” saad ni Chesca.

Masaya at proud naman ang aktres sa mga anak.

Huli niyang sabi, “Too precious not to capture. ❤️”

Samanatala, isa lang ang pamilya Kramer sa maraming personalidad na nagbigay-tulong para sa mga biktima ng Taal eruption.