Mayor sa Bataan, namahagi ng laptops, flashdrives para sa darating na online classes

882
(DepEd Balanga Bataan Facebook Page)

Sa papalapit na online classes ngayong darating na Agosto, namigay ng mga kakailanganing gamit gaya ng laptop at flashdrive si Balanga, Bataan Mayor Francis Garcia sa ilang guro’t mag-aaral ng lungsod.

Sa official Facebook page ng Department of Education Balanga, namahagi ang alkalde ng naturang kagamitan para sa online teaching sa darating na “New Normal”.

Ayon sa post, “Mayor Francis procured 80 laptops and a hundred of USB’s to prepare DepEd Officials to the New Normal.

INNITY ADS

“After a month of lockdown when meetings and conferences are done via Zoom, Google Meet, or Microsoft Team, the City Government of Balanga thru the leadership of Mayor Francis Garcia prepared the SDO of Balanga City for the ‘NEW NORMAL’,” dagdag sa post.

Ipinamahagi ang 30 Lenovo laptops sa School heads, Education Program Supervisors at Department Heads sa kanila mismong mga tahanan.




(DepEd Balanga Bataan Facebook Page)

“Likewise, all learners who are re-studying their unmastered competencies in their summer classes were given free 32 Gb flash drives and 64 Gb for their teachers,” sabi pa sa post.

Dahil dito ay agad umani ng iba’t ibang reaksyon ang naturang post online.

“Sana all! Sana ganiyan din ang gawin ng mayors ng ibang teachers. Kailangan na po talaga ng laptops at stable internet connection para maisagawa ang online classes,” saad ng isang commenter.

May mga humanga rin sa suportang ipinakikita’t ibinibigay ng naturang alkalde.

Mayroon din namang nagpayo na siyasatin mabuti kung sino ang talagalang walang magagamit sa darating na pasukan.

“Dapat sa mga teachers ibigay kasi sila yung talagang nangangailangan ng mga laptops,” giit naman ng isang netizen.