LOOK: May-ari ng bar sa England, nagkabit ng electric fence para mapanatili ang social distancing

125
Reuters

Habang lumuluwag na ang coronavirus lockdown sa ilang bahagi ng mundo, kanya-kanyang diskarte sa pagpapatupad ng safety protocols ang mga nagbabalik-negosyo.

Tulad na lang ng isang bar sa Cornwall, England na naisipang lagyan ng may-ari ng electric fence upang ipaalala ang social distancing sa mga customer.

Sa ulat ng BBC, sinabi ni Jonny McFadden na limitado lang ang space ng bar niyang “The Star Inn” at inumin lang ang mayroon dito.

INNITY ADS
Photo: BBC

Naisipan niya raw gumamit na ng electric fence dahil pahirapang paalalahanan ang mga nalalasing niyang customer na dumistansya sa isa’t-isa.

Nang tanungin kung naka-on ba ang kuryente, sabi ni McFadden, “Come and find out – there is a fear factor and it works.”




Epektibo raw ang naturang pakulo dahil nagmimistulang mga tupa ang mga tao at kusang lumalayo sa bakod dahil sa takot.

Wala naman daw kaso sa mga customer ang electric fence, at kadalasan ay napapatawa pa sila nito.