Makalipas ang higit 2 dekada: Lalaki sa India, muling nakuha ang nawawalang wallet

117
(Unsplash)

Makalipas ang mahabang panahon, naibalik din sa wakas ang nawawalang wallet ng isang lalaki sa siyudad ng Mumbai, India.

Sa report ng Indian media outlets nito lang Agosto 9, bigla na lang naglaho ang wallet ni Hemant Padalkar habang nakasakay sa Chhatrapati Shivaji Maharaj Teminus-Panvel local train noong 2006.

At matapos ang 14 taon, noong buwan ng Abril ay nakatanggap siya ng tawag mula sa Government Railway Police (GRP) para malamang nahanap na ito.

INNITY ADS

Ngunit dahil nasa ilalim pa ng lockdown ang lugar dahil sa COVID-19 pandemic, hindi niya agad itong makuha.

Nang gumaan ng bahagya ang ibinabang lockdown, agad na nagtungo sa Panvel locality si Padalkar para personal na puntahan ang GRP office kung saan niya nakuha ang ilang parte ng naiwan niyang pera sa nasabing wallet.




Saad niya sa isang pahayag, “My wallet at that time contained Rs 900 (Dh44), including a Rs 500 (Dh24) note which was later demonetised (in 2016). The Vashi GRP returned Rs 300 (Dh14) to me. They deducted Rs 100 (Dh5) for stamp paperwork and said the remaining Rs 500 would be returned after exchanging the scrapped currency note with a new one.”

Ayon pa sa report, inaresto na rin ng GRP official ang nagnakaw ng wallet kung saan ito narekober.

Samantala, wala namang naiulat na paliwanag kung paanong umabot ng 14 taon bago ito naisauli sa may-ari.