Manny Pacquiao, balik-eskwela; school ID, ibinandera

259
Photo: Manny Pacquiao Facebook

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik-eskwela ng pambansang kamao Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao para sa kursong AB Political Science-Local Administration sa University of Makati.

Sa post ni Manny sa kanyang twitter at instagram account, proud na proud ang pambansang kamao na ibinahagi pa ang kanyang school id.

Sa kanyang post sinabi niya na, “Never stop learning because life never stops teaching.”

INNITY ADS

Agad namang ikinatuwa ng mga netizens ang naturang post at ayon sa kanila ay tama lang daw ang naging desisyon ng senador para mas mapalawak nito ang kaalaman niya sa national issues.

Nagpaulan din ng paghanga ang iba pang netizens dahil sa pagpapahalaga ni Manny sa edukasyon kahit malayo na ang kanyang narating sa boxing, pulitika, at negosyo.




Matatandaang bago sumabak sa larangan ng boxing si Manny ay elementarya lang ang natapos nito at taong 2007 nang makatanggap ito ng high school diploma mula sa Department of Education (DepEd) matapos nitong mapasa ang high school equivalency exam.

Pagkatapos nito ay nakapagenroll sa kursong Business Management si Manny sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City.

At sa edad na 40 ay hindi nagdalawang isip ang pambansang kamao na ipagpatuloy ang pag-aaral para makuha ang inaasam na college diploma.