Maine Mendoza, sinagot ang tanong tungkol sa pagpapakasal kay Arjo Atayde

388
(Maine Mendoza Instagram)

Simple lang ang naging sagot ng Eat Bulaga host and actress Maine Mendoza sa tanong tungkol sa usapang pagpapakasal.

Sinabi niyang wala pa umano siya sa ganoong estado ng pakikipagrelasyon.

Aniya, dalawa pa sa kanyang mga kapatid ang hindi pa nakakasal at bilang pagsunod umano sa kinalakhan sa probinsya, hindi raw dapat i-break ang chain.

INNITY ADS

Pakiramdam daw ni Maine, magiging handa na siya kapag nakasal na ang kanyang dalawang kapatid.

“Feeling ko by the time na makasal ‘yung dalawa kong kapatid okay na din for me to settle down,” saad niya.




Inihayag din ng aktres na balak niyang maikasal bago raw siya tumuntong ng 30-anyos.

“When I turn 28 or 29, so that’s three or four years from now, malayo pa,” sabi niya.

Samantala, kahapon lamang, ika-3 ng Marso nang ipagdiwang ni Maine ang kanyang 25th birthday sa noontime show kasama ang kanyang Eat Bulaga family.

Hiling lang daw niya sa kanyang kaarawan ay ang magkaroon ng peace of mind ngayong taon.