
Higit kalahating milyon na ang nalikom ng aktres na si Maine Mendoza isang Linggo matapos nitong simulan ang pagkalap ng mga donasyon bilang tulong sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 lockdown.
Nito lamang Marso 25, inanunsyo ng aktres sa kanyang Twitter na nakalikom na ng kabuuang halaga na P587,677.92 ang kanyang team sa loob ng pitong araw.
7 days after the launch of DoNation Drive, we have accumulated a total amount of ₱587,677.92. We have sent financial support to 587 families for the past 6 days thru GCash. Here’s the summary of recipients as of today 3/25:
Head to https://t.co/aZaP7WdjSh for more details. 😊 pic.twitter.com/unMtmcGY4t
— Maine Mendoza (@mainedcm) March 25, 2020
Aniya, ang naturang halaga ay nagsilbing financial assistance sa 587 pamilya.
“7 days after the launch of DoNation Drive, we have accumulated a total amount of ₱587,677.92. We have sent financial support to 587 families for the past 6 days thru GCash,” ani Maine.
Ibinahagi rin nito ang mga napunatahan ng naturang tulong.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Maine ang mga taong nagpadala ng donasyon at aniya ay bukas pa para sa ibang gustong mag-donate ang kanyang account.
Giit pa ng aktres, hindi raw dito matatapos ang kanyang tulong, patuloy daw siyang magbibigay ng tulong pinansyal sa mas marami pang pamilya sa abot ng kanyang makakaya.