Maid of honor, sinurpresa ang bride ng wedding bouquet gawa sa chicken nuggets

541
(Photo: Jenna Spetz Instagram)

Imbes na bulaklak ay ilang piraso ng chicken nuggets ang laman ng wedding bouquet na iniregalo ng maid of honor sa bride ng isang kasal sa Park Inn Radisson hotel sa Toledo, Ohio, USA.

(Photo from Jenna Spetz Instagram account)

Nagbibigay ng speech si Jenna Spetz sa kanyang pinsan na si Blair Hardy nang ilabas nito ang isang bouquet of nuggets bilang surpresa.

“When I was thinking about my speech, I was trying to come up with something I could surprise Blair with. Nuggets immediately came to mind. I wasn’t sure at what medium though or how I would even pull something like that off,” aniya.

INNITY ADS

Nakipag-ugnayan raw siya sa Tyson Foods kung saan niya nakuha ang ideyang nugget bouquet,

Sabi niya, “I really didn’t expect my inquiry to go any further than an auto-reply from customer service.”




Kwento pa ni Jenna, “match made in Heaven” raw ang pangyayari dahil ang groom ng pinsan ay nagngangalang Adam Tyson, kaparehong apelyido ng kumpanyang binilhan niya ng nuggets.

Sa ibinahaging larawan ni Jenna sa kanyang instagram account, makikita ang reaksyon ng mag-asawa kung saan kita rin na nakanganga si Blair at handa nang kainin ang bouquet.

Samantala, nagbigay rin ng pasasalamat si Jenna sa Tyson Food’s dahil sa pakikipag-tulungan nito sa kanyang surpresa.

Isang liham na may nakakatawang mensahe naman ang ipinaabot ng presidente at CEO ng nasabing kumpanya na si Noel White.

Sabi niya, “We heard from a little birdie that you’re spreading your wings and getting married today, and we couldn’t be happier to be part of your celebration,”

Nagbigay rin ng ilang advice si Noel sa bagong kasal.