Magkasintahang senior, nagpakasal online matapos makansela ang seremonya dahil sa COVID-19

493
Stock photo

Kasalan via online video call ang idinaos ng magnobyong senior citizen sa United States, matapos na makansela ang nakatakda nilang seremonya dahil sa COVID-19 pandemic.

Nag-isang dibdib sina Alvin Lee, 90, at Dorothy Driskell, 85, mula sa bahay ng lalaki sa Ohio nitong Biyernes, ayon sa CBS News.

Plano sana ng dalawa na magkaroon ng malaking kasalan sa tagsibol, ngunit naudlot dahil sa kasalukuyang krisis.

INNITY ADS

Sa araw ng kasalan, isang pastor at 20 na kaanak at kaibigan ang sumali sa seremonyang naganap sa video conferencing app na Zoom.

Naisipan ito ng pamilya ni Lee matapos silang magkaroon din ng surprise birthday party sa kanya sa parehong app.




Nitong Enero nang mag-propose si Lee kay Driskell makaraang magkakilala sila sa isang retreat center sa New York noong 2019.

Bagaman sa New York nagtagpo, dalawang oras lamang ang pagitan ng kanilang mga bahay sa Ohio.

“They became fast friends and began driving back and forth between their cities to see each other,” kuwento ni apo ni Lee na si Jennifer Whitaker.

Kalaunan, nalaman ng magkasintahan na pareho silang balo at may mga apo na.