Magkasintahang parehong may cerebral palsy, kinasal matapos ang 29 taong pagsasama

123
(Picture: Blackpool Gazette/SWNS)

BLACKPOOL, England – Sa loob ng mahabang panahong paghihintay, natuloy na rin ang matagal ng plano ng magkasintahang parehong mayroong cerebral palsy.

Napaaga ang kasal nina Vivien Stokes, 56 at Fred Hartley, 73, na gaganapin sana sa darating na Hunyo ngayong taon, dahil nagkaroon ng pneumonia si Vivien.

(Picture: Blackpool Gazette/SWNS)

Sa Blackpool Victoria Hospital kung saan nagpapagamot si Vivien, isinagawa ng mga staff ang planong kasal sa pangunguna ni Fred na pinaghandaan din ang kanyang proposal.

INNITY ADS

Humingi ng tulong sa social media ang mga staff para sa espesyal na araw ng dalawa.

Dahil dito ay nakatanggap ng bulaklak, cake, maging ang dekorasyon at live music ang magkasintahan.




Nagkaroon din ng pagkakataong mamili ng wedding dress si Vivie para sa isusuot nito sa araw ng kanyang kasal.

Kwento ni Joanne Connear, pamangkin ni Vivien, nakakagulat daw ang sagot at suporta na natanggap nila sa mga social media users.

“We were inundated with offers of support and we are so overwhelmed by the generosity of people,” aniya.

Ginanap ang kasalan sa mismong ward kung saan sinalubong sila ng kanilang mga guests, ang mga staff at ng kanilang mga kaibigan.