Mag-asawa, nagbitiw sa trabaho, binenta ang bahay para ikutin ang mundo kasama ang 2 anak

5423

CAPE TOWN, South Africa – Isang mag-asawa ang nagbitiw sa trabaho, binenta ang sariling bahay, at pansamantalang pinatigil ang mga anak sa pag-aaral para maikot ang buong mundo.

Para sa mag-asawang Andre at Becky Baldeo na pawang mahilig sa pagta-travel, hindi na baleng mawalan sila ng trabaho at pera para sa panghabambuhay na saya.

(Image: Andre Baldeo /SWNS.COM)

Nagpasya ang dalawa na umalis muna sa trabaho bilang Stocks trader at Personal assistant at patigilin sa eskwela ang mga anak na sina Rico, 12; Tiana-Mae, 10, para simulan ang kakaibang paglalakbay.

INNITY ADS

Ang nalikom na pera ay sinimulan nila sa pagbili ng ticket papuntang Borneo kung saan nagsimula ang hindi malilimutang paglalakbay ng pamilya  sa 13 bansa sa Asya at South Amerika sa 48 siyudad.

Andre, Rico, Tiana-Mae and Becky at the Equator line in the Amazon, Ecuador (Image: Andre Baldeo /SWNS.COM)
Rico, 12, parasailing in Colombia(Image: Andre Baldeo /SWNS.COM)

Umakyat sila sa mga bundok at bulkan gaya ng 13,500 ft Mt.Kinabalu sa Malaysia, Trek sa Machu Picchu Peru, at nag-parasailing sa Colombia kung saan naglaan sila ng 5 linggo para na rin tumulong sa isang children foundation.




The family on the Lares Trek, Peru (Image: Andre Baldeo /SWNS.COM)

Ginalugad rin nila ang rainforest sa Amazon at bumisita sa ilang mga bukirin para mag-alaga ng iba’t ibang hayop.

Andre helping with turtle conservation on Tioman Island, Malaysia (Image: Andre Baldeo /SWNS.COM)

Nagtungo rin sila sa Thailand, Vietnam, at Japan kung saan nila ipinagdiwang ang kanilang pasko.

“We lived with a Japanese family who had three small children. Food and board was provided in exchange for our help – me coaching football and Becky helping around the house. Christmas was in Tokyo with an old friend of mine and his family from Enfield,” ani Andre.

Dito rin pansamantalang nagboluntaryo si Andre na maging football coach sa isang paaralan.

Nanatili ang pamilya sa mga hotels, youth hostels at mga lodges habang isinasagawa ang paglalakbay.

Samantala, huli namang pinuntahan ng pamilya ang San Jose, Costa Rica kung saan sila sumakay ng eroplano pabalik sa Cape Town.

Kwento ni Andre, napagplanuhan nilang ikutin ang mundo dahil gusto nilang ipakita sa mga anak ang ganda ng paligid na nakapalibot sa kanila.

“It hit home how we have to make the most of our lives. Working long hours in front of six monitor screens, studying graphs and looking at news can become lonely and extremely depressing. It became suffocating. We needed a change, to do something different,” saad niya.

Kakaibang karanasan rin daw ang makasama at makasalamuha ang iba’t ibang klase ng tao.

Rico dancing at Carnaval de Santa Marta, Colombia(Image: Andre Baldeo /SWNS.COM)

“We met some incredibly poor people and have taken so many life lessons out of it,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay nagrerenta ang mag-anak sa isang maliit na bahay kung saan muling magtatrabaho at babalik sa eskwela ang kanilang mga anak.

Ngayon daw ay sigurado ang mag-asawa na maraming maibabahagi ang kanilang 2 anak kapag nagtanong ang kanilang guro ng, “What did you do in the holidays?”

RELATED STORY:

Mag-asawang mahilig mag-travel, binenta ang ari-arian para manirahan sa bus