Mag-asawa, 49 taon nang pinagsasaluhan ang wedding cake

788

Isa sa mga tradisyon sa mga bagong kasal ang pagtatabi ng pinakataas na baitang ng wedding cake para pagsaluhan sa unang anibersaryo ng kasal.

Pero hinigitan ito ng mag-asawang David at Anne Cowburn ng Pennsylvania.

Si David at Anne Cowburn (NYP/Steven Yang)

Sa 49 taon na pagsasama, bawat anibersaryo ay pinagsasaluhan ng dalawa ang isang slice o maliit na piraso ng kanilang wedding cake.

INNITY ADS

Nagdaan na sa limang lipat-bahay ang wedding cake na magkakalahating siglo na sa freezer.

Tuwing ika-18 ng Hulyo ay nagpapalambot sila ng maliit na hiwa nito para pagsaluhan.




Si Anne, hawak ang maliit na piraso ng wedding cake. (NYP/Steven Yang)

“It’s just a fun, romantic thing that we do,” ani Anne sa isang pahayagan.

Ikinasal ang mag-asawang may tatlo nang anak at apat na apo noong 1970, kung kailan una nilang hiniwa ang three-leyered vanilla cake.

Masuwerte namang wala sa kanila ang nasisiraan ng sikmura o nagkakasakit.

Nakuha raw ng mag-asawa ang ideya ng pagtatabi ng cake sa lumang game show sa TV na “I’ve Got A Secret” kung saan isang mag-asawa ang nagsabing umabot nang 25 taon ang kanilang wedding cake.

Plano ng mag-asawang Cowburn na i-bake ang huling mga piraso ng kanilang wedding cake para makabuo ng bago na pagsasaluhan nila sa kanilang golden wedding anniversary sa susunod na taon.