LOOK: Deboto ng Nazareno, nag-propose sa nobya sa gitna ng Translacion

108
Courtesy K.R. De Asis/Manila Public Information Office

Habang nagkakagulo ang mga tao sa prusisyon ng Itim na Nazareno, isang nakakakilig na tagpo naman ang nasaksihan ng ilang deboto sa Quiapo, Maynila.

Isang lalaki kasi ang nag-propose ng kasal sa kaniyang nobya sa gitna ng taunang translacion ng imahen.

Sa litratong ibinahagi ng Manila Public Information Office (MPIO), parehong nakasuot ng Nazareno t-shirt ang soon-to-be husband and wife na sina Kim Noel Yamat, 23, at Mary Joie Flores, 23.

INNITY ADS

Nasa palasinsingan na din ng dalaga ang wedding ring, patunay ng matamis niyang oo sa binata.

Kuwento ni Yamat, matagal na silang deboto ng Poong Nazareno, dahilan para itapat niya ang wedding proposal ngayong araw.




Nakatakdang magpakasal ang dalawa sa darating na Marso.