Latina model na may Down syndrome, nagpasiklab sa New York Fashion Week

488
Sofia Jirau. PHOTO via Instagram/@sofiajirau

“No hay límites” o there are no limits para sa 22-anyos Latina model na mayroong Down syndrome.

Kamakailan lamang, pinamangha ni Sofia Jirau ang mga manonood sa New York Fashion Week nang rumampa siya para sa dress ng Marisa Santiago.

Simula pa lamang daw ito ng mga pangarap ng model na naglunsad na rin ng sarili niyang brand.

INNITY ADS

“When I was little, I looked myself in the mirror and said, ‘I’m going to be a model and a businesswoman,” kuwento ni Jirau sa PEOPLE.

Puno ng photoshoots, modeling at runway looks ang Instagram account ni Jirau na mayroon nang halos 44,000 followers.




“Yesterday, my dream came true. I was born for this and I want to show the world that I have everything a model needs to shine,” saad niya sa kanyang post matapos ang NYFW.

Todo suporta rin ang kanyang pamilya na lumipad pa mula Puerto Rico para panoorin siyang magpasiklab sa runway.

“I felt really good the first time. Everyone clapped for me,” aniya.

Mayroon din grupo ng volunteers na tumutulong kay Jirau na maisakatuparan ang kanyang mga plano sa fashion industry.

Bukod sa modeling, umaariba rin sa pangarap niyang negosyo si Jirau na may-ari na ngayon ng brand na “Alavett”.

Nagmula ang naturang pangalan sa paborito niyang sabihin o kanyang “shout of joy” na “I love it”.

Lahat ng mga damit, wallet, mug at phone cases ay mayroong signature brand name at heart doodle.

“Inside and out, there are no limits. There aren’t. Everyone can accomplish their dreams.”