Lalaki sa US, nanalo ng milyon sa lotto habang hinihintay lang ang nanay sa grocery

219

Inulan ng suwerte ang isang lalaki sa US na napag-tripan lang bumili ng lotto ticket habang naghihintay sa kanyang nanay.

Kuwento ni Herbert Scruggs, hinihintay niyang matapos mamili sa grocery ang kanyang nanay nang maisipan niyang bumili ng scratch-off lotto ticket.

Pagkauwi sa bahay, kiniskis ni Scruggs ang ticket at iniabot sa nanay dahil hindi raw siya makapaniwala sa nakita.

INNITY ADS

“She got all excited. She said I won!” saad niya sa Virginia Lottery nitong Martes.

Masuwerteng napunta kay Scruggs ang $200,000 (P9.8 milyon) na top-prize winner.




Sa ngayon ay wala pa naman daw naiisip si Scruggs na paggagamitan ng pera.

“It feels sort of surreal. It still hasn’t hit me yet,” aniya.