Lalaki, gumawa ng mini restaurant sa bakuran para sa mga ligaw na hayop

981
Facebook/James Vreeland

Hindi lamang mga tao ang apektado sa quaratine na umiiral sa buong panig ng mundo dulot ng COVID-19 pandemic — dahil hirap din ang ilang ligaw na hayop na naghahanap ng makakain sa mga bakanteng kalsada.

Ito ang nagtulak sa animal lover na si James Vreeland na tumulong sa pagpapakain ng mga ibon at squirrel na madalas sa kanilang bakuran sa Michigan, USA.

Pero kaiba sa ilan na mag-iiwan lang ng pagkain sa labas, naisipan ni Vreeland na magtayo pa ng restaurant para sa mga munti niyang bisita.

INNITY ADS

Tinawag niyang “Maison du Noix” o “The Nut House” ang kainang may maliliit na mesa, bakod, at may entrance pa.

At dahil nga restaurant, gumawa rin siya ng special menu para rito.




“We’ve been offering an opening course of a seed medley, followed by peanuts on the full shell, house-cut bread sticks, and a dessert of counter-softened apples,” sabi ni Vreeland sa The Doldo.

Hindi pa riyang natatapos ang dedikasyon at pagmamahal ni Vreeland, dahil nag set up siya ng camera sa labas upang mapanood ng kanyang pamilya at mga kapitbahay ang nangyayari sa Maison du Noix via Facebook Live.