Kris Aquino, namahagi ng saku-sakong bigas sa mga residente ng Puerto Galera

1739
(Kris Aquino Instagram)

Habang nasa beach resort ni Willie Revillame sa Puerto Galera, namahagi si Kris Aquino ng saku-sakong bigas sa mga mamayan doon dahil sa epekto ng coronavirus lockdown.

Ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram post ang screenshot ng palitan nila ng text message ng mayor ng lugar.

View this post on Instagram

i am posting this hindi para magpa bida- kasi konti lang ito, dapat 100 sacks of rice pero malayo ako & hindi maka withdraw ng mas malaki because more than 1 hour away yung mga bangko where i have accounts kaya umaasa muna sa ATM … this is the time na yung mas na bless financially, sana gumawa ng paraan na tulungan ang mga mas nangangailangan sa abot ng makakaya… magdamayan tayo ngayon dahil LABAN nating lahat ang #covid_19… hindi tama na ang mga kapwa Pinoy ay magutom sa panahon ng lockdown dahil yung daily wage earners hindi makapagtrabaho. 😢 P.S. NAGAWAN na po ng PARAAN to make it 25 na KABAN ng BIGAS kasi nalaman ko kung gaano karami ang umaasa sa tulong na mabibigay ng LGU ng Puerto Galera.

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

INNITY ADS

Makikita sa larawan ang mensahe ni Kris kung saan sinabi nitong magdo-donate siya ng 12 sako ng bigas.

Saad sa text, ito lamang daw ang maaari niyang magawa sa ngayon bilang pasasalamat sa kanilang pagtanggap sa aktres.




Makikita naman ang sagot ng mayor na labis-labis ang pasasalamat at sinabing ipamimigay niya ang bigas sa mga tricycle driver ng kanilang lugar.

Una nang sinabi ni Kris na hindi siya nagpost para magpabida lalo pa’t kaunting tulong lamang daw ang kanyang maihahandog.

Aniya, “Dapat 100 sacks of rice pero malayo ako & hindi maka withdraw ng mas malaki because more than 1 hour away yung mga bangko where i have accounts kaya umaasa muna sa ATM.”

Ayon sa aktres, ito raw ang panahon na dapat magbigay-tulong sa mga nangangailangan ang mga taong may kakayahang pinansyal.

Panawagan pa ni Kris, “Magdamayan tayo ngayon dahil LABAN nating lahat ang #covid_19. Hindi tama na ang mga kapwa Pinoy ay magutom sa panahon ng lockdown dahil yung daily wage earners hindi makapagtrabaho. 😢”

Samantala, ipinahabol ni Kris sa kanyang post na nagawan umano ng paraan na maging 25 kaban ng bigas na ang kanyang maipamimigay matapos niyang malaman kung gaano karami ang umaasa sa mga ipamimigay ag tulong ng LGU ng Puerto Galera.

Matatandaan namang namigay din ng tulong si Willie habang nananatili rin sa kanyang resort sa lugar nang hindi makauwi matapos maabutan ng community lockdown sa Metro Manila.