Kim Chiu, namigay ng regalo sa mga bata sa Pampanga

239
(Image via Kim Chiu Instagram)

Nagbigay ng pamasko ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa ilang kabataan sa Floridablanca, Pampanga bilang bahagi ng kanyang pagdiriwang ng kapaskuhan.

Nitong Disyembre 25, Miyerkules, ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram account ang ilang larawan kasama ang napakaraming bata gayundin ang mga kaibigang naging katuwang sa pamaskong-handog ng aktres.

Makikita ang mga paslit na tila masaya sa mga hawak na regalo mula sa Chinita Princess.

INNITY ADS

Sabi niya sa kanyang post, “Thank you to everyone who bought my pre loved clothes at the world trade bazaar last week.”

Nagpasalamat din si Kim sa kanyang pamilya at kaibigang naging katuwang sa naturang programa.




Aniya, hindi raw magiging posible ang lahat kung hindi dahil sa tulong ng kanyang team.

“Merry Christmas everyone!!!!🌟. Happy birthday papa Jesus!!!!🎂,” pahabol na bati ng aktres.

Mayroon namang agad nagbigay ng mensahe sa ginawang kabutihan ng Kim.

Sabi ng isang nag-comment, “You are soooo beautiful inside and out. ❤❤❤❤❤😍😍😍😍😍😍😍.”

Kwento ni Kim, ang ginamit niya sa kanyang programa ay ang perang nalikom mula sa mga nabentang pre-loved clothes sa World Trade Bazaar.