KILALANIN: 3 Filipino nurses, nakatanggap ng Nurses’ Merit Award sa Singapore

255
Niel Cahatian, / Arlene Dergam Aleta / Melanie Magnaye-Palo facebook)

Napili ang tatlo sa Filipino nurses sa Sinagpore na nabigyan ng Nurses’ Merit Award (NMA) nito lamang Hulyo 2020.

Nakilala ang angking galing at dedikasyon nina Arlene Dergam Aleta, nurse manager ng St. Andrew’s Community Hospital, Niel Caderao Cahatian, assistant manager ng All Saints Home at Melanie Magnaye-Palo, assistant nurse manager ng The Salvation Army Peacehaven Bedok Day Center.

(Arlene Dergam Aleta Facebook)

Taong 1976 nang magsimula ang pagbibigay ng pagkilala ang NMA para sa mga nurse na malaki ang partisipasyon at kontribusyon sa larangang medikal.

INNITY ADS
(Melanie Magnaye-Palo Facebook)

At dahil nakitaan ang tatlong maipagmamalaking manggagawang Pilipino, personal silang hinirang ng healthcare institutions kasama ng isang panel mula sa Singapore Ministry of Health na siyang mamimili ng mabibigyan ng gantimpala.

(Niel Cahatian Facebook)

Nasa 100 nurse ang nakatanggap ng award ngayong taon na may kasamang medalya na kanila nang isasama sa kanilang uniporme at $1000 Singaporean dollars o (P35,000).




Ayon kay Ambassador Joseph del Mar Yap, “Filipino nurses have always been known for their dedication, professionalism, and technical capability worldwide.”

Dagdag niya, nawa ay maging inspirasyon ng lahat ng Filipino nurses ang naturang gantimpala para ipagpatuloy ang highest standards sa kanilang propesyon.

Samantala, kasabay ng pagbibigay ng award ang pagdiriwang ng 135th anniversary ng nursing profession sa Singapore at ngayong taon din ang Year of the Nurse and Midwife ayon sa World Health Organization (WHO).