Kahit hindi na sila: Julia Barretto inaming mahal pa din si Joshua Garcia

16719
Image via cosmo,ph

Usap-usapan ngayon sa mundo ng social media ang pahayag ni Julia Barretto kaugnay sa nararamdamang pagmamahal kay Joshua Garcia.

Sa panayam ni ABS-CBN Hollywood reporter Yong Chavez kay Barretto, sinabi nitong mahal pa din niya si Garcia kahit hindi na sila magkarelasyon.

“I love Joshua. I love that guy. I will love that guy until my last breath,” wika ng Kapamilya star.

INNITY ADS

Ayon sa batang aktres, “very supportive and very understanding” sa maraming bagay si Garcia.

Dagdag pa ng dating nobya ni Garcia, “So whatever happens in life, the guy knows me really well. He knows my heart”




Nakausap ni Chavez si Barretto sa back stage ng “ASAP Natin ‘To Bay Area”, sa San Francisco, California, USA noong Agosto 3, oras sa Estados Unidos.

Noong Hunyo ng kasalukuyang taon, kinumpirma ng dalawa ang balitang naghiwalay na sila.

Pahayag ng noo’y magkasintahan, gusto muna nilang bumalik sa pagiging “bestest of friends”.

Umani naman ng iba’t-ibang reaksyon mula sa publiko ang naging pahayag ni Barretto.

Ayon sa ilang fans, muling tumibok ang kanilang “JoshLia” heart.

Pero komento ng ibang netizens, panibagong gimmick ito para muli siyang mapag-usapan.

Screenshot via FB/Kapamilya Online World 

Panoorin ang kabuuang interview kay Barretto na pinost ng “JoshLia International” sa kanilang Twitter account: