Jennylyn Mercado, ibinahagi ang aksidenteng pagkakapasok noon sa showbiz

200
(Jennylyn Mercado Instagram)

Ibinahagi ng Kapuso actress Jennylyn Mercado na aksidente lamang umano ang pagkakapasok niya sa showbiz noon.

Aniya, pinilit lang daw siya ng kanyang ina na mag-audition sa Kapuso talent search “Starstruck” season 1.

Sabi ng aktres, nagsimula ang lahat nang may nagbigay daw sa kanya ng card sa isang salon na noo’y tinanggap niya kahit wala umano siyang kakayahan sa pag-arte.

INNITY ADS

“Kanta lang tapos nag-aaral lang ako. Hindi ko kayang umarte, hindi ko kayang sumayaw, hindi ko kayang mag-host,” saad niya.

Ngunit sa kabila nito, hindi raw hinayaan ng kanyang Mommy Lydia na hindi nito tanggapin ang oportunidad kaya sapilitan daw siyang dinala ng ina sa GMA para mag-audition.




Noong mga panahong iyon ay lima o anim lang daw silang sumabak sa audition at wala umanong pila.

Kwento ni Jen, “Umiiyak na ako noon kasi sabi ko ‘Ma, ayoko talaga ‘to, hindi ko kaya. Hindi ko kayang umarte kasi kilala niyo naman ako, napakamahiyain ko, hanggang singing lang ang kaya kong gawin.”

Habang binabalik-tanaw ng aktres ay malaki ang kanyang pasasalamat sa ina lalo pa’t siya  ang itinanghal bilang Season 1 ultimate survivor ng Starstruck.