Ivana Alawi, may handang relief goods para sa mga apektadong lugar sa gitna ng COVID-19 pandemic

1450
(Ivana Alawi Instagram)

Sa gitna ng kasalukuyang krisis, ang sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi ang latest celebrity na magbibigay tulong sa mga Pilipinong apektado ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ibinahagi ni Ivana sa kanyang Instagram post nitong Huwebes ang napakaraming nakabalot na relief goods kasama ang kanyang nanay at kapatid.

INNITY ADS

Saad niya, “Pasensya na kayo sa itsura namin. Madaling araw na kami natapos mag pack ng mga pagkain na ipapamigay namin sa mga kababayang nangangailangan ng tulong. ❤️”

Sa isa pang larawan sa kanyang IG post, makikita rin si Ivana habang pinagigitnaan ng kahon-kahong delata, noodles, at saku-sakong bigas na ipamamahagi nila.




(Ivana Alawi Instagram)

Hinikayat niya rin ang mga kababayang may kakayahang magbigay ng tulong para sa mga nangangailangan ngayong panahon ng krisis.

Aniya, “I am encouraging everybody to help. maliit man yan o malaki, ang importante ay tumulong tayo. 🤗”

Samantala, kamakailan lang ay mapapanood din sa vlog ng aktres ang ilang safety measures tips para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.