‘I was overcome with joy’: Lalaki, inampon ang batang may Down syndrome matapos ma-reject ng 20 pamilya

474
(Image via Instagram)

NAPLES, Italy – Kinupkop ng isang tatay ang batang mayroong Down syndrome na inayawan na ng 20 pamilya dahil umano sa kanyang kondisyon.

(Image via Instagram)

Hindi nagdalawang isip si Luca Trapanese na ampunin at alagaan si Alba mula nang iwan ito ng sariling ina noong ika-13 araw pa lamang niya.

(Image via Instagram)

Ayon sa ulat, inabanduna raw si Alba ng kanyang nanay dahil sa kanyang kalagayan.

INNITY ADS

Nabigyan ng kustodiya si Luca para angkinin si Alba noong July 2017 at dito na nagsimulang magbago ang buhay ng bata.

Para kay Luca, unang beses pa lang na mahagkan niya si Alba, pakiramdam niya ay tunay na anak niya ito.




“When I first held her in my arms, I was overcome with joy. I felt she was my daughter straight away,” aniya.

Ito raw ang unang pagkakataon na humawak siya ng sanggol dahil natatakot umano siya ngunit nang makarga niya ang anak, dito raw niya nasabing handa na nga siyang maging isang ama.

Kwento ni Luca, 14-anyos siya noong magboluntaryo siyang magtrabaho na may mga kasamahang may kapansanan kaya alam daw niya ang pakiramdam.

Sinimulang ibahagi ng lalaki ang buhay nilang mag-ama sa social media kung saan umabot na sila ng mahigit 100K followers sa Instagram.

Pahayag niya, tuluyan nang nagbago ang buhay ng anak lalo pa’t marami na ang nagmamahal sa kanya ngayon.

“She brought me happiness and a sense of fulfilment. I am proud to be her dad,” saad niya.