Heart Evangelista, tumulong mabigyan ng bahay ang palaboy na nag-aalaga ng mga asong kalye

759
Instagram/@pawssionproject and @iamhearte

Sa tulong ni Heart Evangelista, napagkalooban ng bagong tahanan ang isang lalaking nakatira sa lansangan kasama ang mga kinupkop na aso.

Nakilala ng Kapuso actress si Mang Jun nang mamataan niya itong nagpapakain ng mga aso sa Gilmore Avenue, nakaraang buwan.

Hinahanap ni Heart noon ang alagang asong si Casper na naibalik din sa tulong ng kanyang mga followers sa social media.

INNITY ADS

Simula noon, nakipagtulungan ang aktres sa animal rescue group na PAWSsion Project upang tulungan si Mang Jun at mga alaga nitong asong kalye.

Maagang pamasko ang handog ni Heart at ng organisasyon kay Mang Jun nang sorpresahin nila ito ng isang simpleng bahay kubo.




Sa mga litratong ipinasilip ng grupo sa Instagram, makikitang hindi napigilan ni Mang Jun ang mga luha nang marating ang bagong bahay at matanggap ang mga kagamitan.

View this post on Instagram

For I know the plans I have for you,” says the LORD. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and hope. 🖤 Today was totally a happy, emotional, heartwarming and life changing day as we officially welcomed Kuya Jun and his dogs to the shelter. HOMELESS NO MORE! ❤️😭 He had the simplest wishes, just a place where he can be with his dogs, and clothes he can use to go to church. We were all in tears when he cried for joy seeing his home and everyone else at the shelter giving him the warmest welcome. He said, everyday, he prays for a home for him and his dogs and we thank God for using all of us as His instruments. Thank you @iamhearte for helping us give him a home. It was all because of you that we now have this amazing new member of our family. God really is amazing to have used all of us in making this happen. Thank you @kitbarraquias for the ultimate pangkabuhayqn showcase for tatay!!! Thank you to our dearest volunteers for all the help since day 1 and everyone else who helped one way or another!! We all did it! So so happy for Kuya Jun and his dogs and for everyone. It is an experience we’ll forever treasure. Indeed, God makes all things beautiful in His time 🖤 WELCOME TO THE FAMILY KUYA JUN!

A post shared by PAWSsion Project🐾 (@pawssionproject) on

“He had the simplest wishes, just a place where he can be with his dogs, and clothes he can use to go to church,” saad ng grupo sa post.

Pinasalamatan din ng organisasyon si Heart sa tulong at ang model na si Kit Barraquias sa “ultimate pangkabuhayan showcase” para kay Mang Jun na tinawag nilang bagong miyembro ng pamilya.