Heart at Chiz Escudero, kinuwento kung paano nalagpasan ang pagkawala ng kambal nila

401
Images from Instagram/iamhearte

Sa unang pagkakataon, nagbigay ng reaksyon at payo si dating Senador at Sorsogon Governor Chiz Escudero kaugnay sa pagkawala ng anak nilang kambal ng asawang si Heart Evangelista.

Tampok sa latest vlog ng “Adulting 101” kung paano nila hinarap at nalagpasan ang pagsubok na tumama sa kanilang pagsasama.

Tinanong ng aktres si Escudero ng mga tips para sa mga mag-asawang nakaranasan ng miscarriage, kagaya nilang dalawa.

INNITY ADS

“If you have someone beside you, whether it’s your parent or parents, your husband or your boyfriend or a loved one or a friend, you cannot both be indulging or dwelling on it. That’s how I saw it and I see it. Meaning to say, we can’t both be crying on each other’s shoulders and actually trying to console each other. One has to do the consoling over in relation to the other one who is grieving,” saad ni Escudero.

“‘Wag mo lang sabayan. So in my case, I didn’t indulge, I didn’t dwell. That time hasn’t come yet, it may come soon, ‘wag lang sabay. And that’s how, I guess, we were able to overcome it,” ayon pa sa opisyal.




Mungkahi ng mambabatas, mas mainam kapag nanatiling matatag ang lalaki para mabigyan ng sapat na atensyon at comfort ang nalulungkot na misis o partner.

“Compared to a situation na pareho kaming wasted na inconsolable, mahirap naman ‘yon. So though it seemed that I was not affected and only you who was affected, it’s something that a couple should actually…”

Lingid sa kaalaman ng nakararami, sobrang naging emosyonal si Chiz sa sinapit ng sana supling nila.

“Nakita kita umiyak ka eh. Akala mo tulog ako. Pagbaba ko super bloodshot ‘yung mata niya. But you know, I really appreciate though the way you handled it because it was my first time and he’s experienced [things in the past], so I really appreciate that. So I just wanna say thank you so much,” mensahe ni Heart sa kabiyak.

Magugunitang nakunan ang TV personality noong Hunyo 2018.

Panoorin ang kabuuang vlog entry nina Heart at Chiz: