‘Happy Birthday Sarili ko!’ Lalaking binilhan ng cake ang sarili sa kaarawan, viral online

2763
(Photo: Jhay-Ar Sebastian Romero Jr. Facebook)

Samu’t saring reaksyon ang natanggap ng isang lalaki matapos nitong ipost ang kanyang birthday cake noong kanyang kaarawan.

Ibinahagi ng facebook user na si Jhay-Ar Sebastian Romero Jr. ang larawan ng kanyang cake na mayroong nakakatawang dedikasyon na nakasulat dito.

Trending kasi ang nakasulat na ‘Happy Birthday Sarili Ko! Fr: Sa Akin din’ dahil siya mismo ang bumili ng cake para sa sarili niya.

INNITY ADS

Sabi pa niya sa kanyang caption, “Mukhang wala naman magbibigay sa akin eh. Kaya ako na lang din. Simple lang pero MASAYA.”

Marami ang naaliw dahil sa naging post ni Romero na agad namang umabot sa 11,000 likes at 32,000 shares.




Naka-relate naman ang ilang netizen sa naturang post kung saan may nagbahagi pa na ginawa rin daw niya ang kaparehong sitwasyon nang bilhan niya ng handa ang kanyang sarili para naman daw mabusog siya.

May ilan din na nakakuha pa ng ideya at sinabing para sa kanyang nalalapit na kaarawan, bibilhan raw niya ang sarili ng paboritong pagkain at sasamahan pa ng cake na may kaparehong dedication.