Good Samaritan sinagip ang sanggol, batang babae mula sa umatakeng pit bull

839
Ang pit bull na umatake sa 1-taon-gulang na sanggol at kapatid na batang babae. Photo via Facebook/Spring Valley Police Department

Iniligtas ng isang lalaki ang dalawang batang inatake ng kawalang pit bull sa New York, USA, Enero 7.

Naabutan ni Moshe Lefkovits na kagat-kagat ng aso ang damit ng 1-taon-gulang na sanggol na hawak ng kanyang kapatid na babae.

Tinangka rin ng batang babae na kalagin ang kagat, ngunit hindi natitinag ang pit bull, ayon sa ulat.

INNITY ADS

Nagawang makakuha ni Lefkovits ng kutsilyo na ginamit niya upang tabasin ang damit ng sanggol at makawala sa kagat.

Nang ligtas ang dalawang bata, agad tumawag ang good Samaritan sa emergency service organization na Chaverim of Rockland.




Bukod sa mga pasa na tinamo ng 1-anyos, pareho namang walang kagat ng aso ang dalawang bata.

Ngunit bago makarating sa lugar ng insidente ang organisasyon, isang lalaki ang tuluyang nakagat ng pit bull sa braso at kamay.

Kaagad naman dinala sa ospital ang lalaking kinilalang si Aharon ben Toiba.

Higit 20 volunteers ang tumugon sa tawag ni Lefkovits at rumesponde rin ang Spring Valley Police Department nang mabalitaan ang insidente.

Ayon sa mga residente, ilang buwan na nilang inirereklamo ang tungkol sa kawalang aso.

Sa ngayon, pinaghahanap na ng awtoridad ang may-ari ng pit bull na dinala muna sa isang animal shelter.