Dumi ng manok, ginamit upang iwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa isang bayan sa Sweden

793

Naisipang gamitin ng isang bayan sa Sweden ang dumi ng mga manok upang pigilan ang pagdagsa ng tao sa naganap na taunang festival noong Huwebes, at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ikinalat sa central park sa bayan ng Lund ang mga dumi na magsisilbing pantaboy sa mga nagbabalak na magtipon-tipon para sa taunang “Walpurgis Night” noong Abril 30.

Karaniwang idinadaos ang nasabing okasyon–na tanda ng pagdating ng tagsibol at tag-init–sa pamamagitan ng picnic, party, at bonfire sa buong bansa.

INNITY ADS

Ayon kay Mayor Philip Sanberg, sa ulat ng Reuters, dinudumog ng halos 30,000 katao, kadalasan ay mga estudyante, ang central park tuwing pumapatak ang Walpurgis Night.

“We don’t want Lund to become an epicenter for the spread of the disease,” paliwanag ng mayor sa ginawang pagpapakalat ng dumi ng manok sa parke.




“Chicken manure has two effects- firstly it will smell, which means that it won’t be particularly nice to sit here behind me in the park today and have a picnic in the grass but it’s also good for the lawn and good for the park,” dagdag niya.

Kumpara sa ibang bansa, hindi idinaan ng Sweden sa paghihigpit ang paglaban sa COVID-19, sa halip ay pinakikiusapan lamang ang mga tao na panatilihin ang social distancing.