Drew Arellano, planong ibenta ang mga pre-loved items para ibahagi sa isang charity

718
(Drew Arellano Instagram)

Planong ibenta ng Kapuso host na si Drew Arellano ang kanyang mga pre-loved items para magbigay ng tulong sa isang charity.

Sa kanyang Instagram post, ibinagi ni Drew ang isang video kung saan sinabi niya ang planong magbenta ng ilan sa mga sariling gamit.

Aniya, “DREW’S CLOSET. PLEASE WATCH! Woke up and had a light bulb idea. Let me know what you guys think! Leave your suggestions below! Thanks!”

INNITY ADS

Naisip niya umano ang ganitong ideya at sinabing simple man ay dalangin niyang maging epektibo.




“I’m sure some people want to do something from their houses. Some people are lucky to be able to do work from home. I kinda decided to do this crazy idea, a simple one but hopefully effective,” saad niya.

Dagdag niya, ang lahat daw ng mapagbebentahan ay 100% ihahandog sa isang charity na aniya’y iisipin pa nila kung ano.

Kaugnay nito ay humingi rin siya ng tulong sa kanyang mga followers ukol sa kanyang plano.