Debate ng mga opisyal sa Kenya, sinuspinde dahil sa utot

69

Sa tindi ng pasabog ng isang miyembro ng Parliament sa Kenya, naudlot ang seryoso at mainit na debate, nakaraang linggo, Agosto 7.

Naantala ang debate tungkol sa mga merkado sa Homa Bay County nang isang miyembro ang tumawag sa pansin ng speaker at nagsabing “Honourable Speaker, one of us has polluted the air and I know who it is.”

Agad namang tumanggi sa akusasyon ang itinurong salarin.

INNITY ADS

“I am not the one. I cannot do such a thing in front of my colleagues,” ani ng itinuturong umutot.

Sa kagustuhang pahupain muna ang masamang amoy, pinalabas muna ni Speaker Edwin Kakach ang mga opisyal.




“We cannot continue sitting in an environment that smells bad.”

Sinabihan niya rin ang mga opisyal na magdala ng air freshener na vanilla o kaya strawberry.

Pero humupa naman na ang amoy bago pa sila makahanap ng air freshener at naituloy na ang debate.