Dating PBB housemate nagwala sa bar, arestado; mga pulis hinamon ng suntukan

6995
Image via Makati City police

Dinakip ng Makati City police ang dating Pinoy Big Brother (PBB) teen housemate na si Karlos Lorenzo “Kenzo” Gutierrez matapos siyang magwala at manggulo sa isang bar nitong Sabado ng madaling araw.

Sa isang panayam, sinabi ni Police Major Gideon Ines na humingi ng saklolo ang isang security personnel dahil sa nakatatakot na ginagawa ni Gutierrez.

“According to the report from barangay, lasing siya sa isang bar na parang mayroon siyang inaaway doon. Noong una, dine-deny niya. Lasing, hindi niya raw alam kung anong ginagawa niya,” pahayag ni Ines.

INNITY ADS

Sa kuhang bidyo ng isa sa mga pulis, mapapanood na minumura, binabantaan, at binabastos ni Gutierrez ang ilang opisyal ng nasabing bar, pati na rin ang mga pulis na umaresto sa kaniya.

(WARNING: Sensitive language. Viewer discretion is advised)




Pasensya ka na pare, wala ka na sa trabaho. Ninong ko kasi si Sonny Belmonte eh, yun lang ah,” saad ng dating kalahok sa PBB.

Hinamon rin umano ni Kenzo ng suntukan ang mga awtoridad.

Agaw-pansin din na wala itong suot na kahit anong pang-itaas.

Ayon pa kay Ines, tinangkang suhulan ni Gutierrez ang mga pulis sa halagang P2,000 para mapakawalan siya.

Hindi naman nagpaunlak ng panayam si Kenzo sa media.

Kasalukuyang siyang nakakulong sa detention cell ng Makati police headquarters at nahaharap sa kasong alarm and scandal, bribery, at disobedience to a person in authority.