Darren Espanto nagtapos sa Senior HS with flying colors

197
LEFT: From Facebook/Homeschool Asia and Pacific. RIGHT: IG/Darren Espanto

Nagtapos with flying colors sa senior high school ang Kapamilya singer na si Darren Espanto.

Sa Instagram post ng mang-aawit nitong Linggo, makikita ang retrato ng dinaluhang graduation ceremony sa Alabang, Muntinlupa City.

Pinarangalan si Espanto bilang First Honor, The Achiever, at excellent sa larangan ng music at arts.

INNITY ADS

 Bakas sa mukha ng singer ang kasiyahan habang nakasuot ng puting toga, medalya, at hawak ang mga sertipikong natanggap.

Kasama ni Espanto sa seremonya ang nanay niya, dalawang tiyahin, tiyuhin, pinsan, at manager na si Sam Samaniego.




Ayon kay Darren, inakala niyang hindi na maabot ang minimithing pangarap dahil isinabay niya ito sa showbiz career.

Binati din ng Homeschool of Asia Pacific, kung saan nag-enroll si Espanto, sa tinamasang tagumpay.
“Darren is now planning to pursue his college either in the medical field or business,” pahayag ng paaralan.