Construction worker, iniligtas ang isang aso sa pamamagitan ng mouth-to-mouth resuscitation

405
Black German shepherd stock photo

Hinirang na bayani ang isang construction worker sa Virginia, US, matapos sagipin ang buhay ng hindi niya alagang aso sa pamamagitan ng cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Sa isang Facebook post noong nakaraang Miyerkules, ibinahagi ni Bliss Nuckols, anak ng may-ari ng aso, ang araw na aksidenteng nakalunok ng bola ang kanilang alaga.

“So, today my mom’s German shepherd, Jett, died. He was playing fetch outside, and he caught the ball and it got lodged in his throat,” saad niya sa post na may kasamang litrato ng aso.

INNITY ADS

Agad daw nilang isinakay sa kotse ang alaga upang dalhin sa beterinaryo, ngunit habang nasa biyahe ay natigilan na sa paghinga si Jett.

Dahil malala na ang lagay ng aso, lumabas sa sasakyan ang nanay ni Nuckols para humingi ng tulong sa construction site na malapit sa hinintuan nila.




Matapos ipaliwanag ang sitwasyon, nilapitan ng isang construction worker ang aso at dinukot ang bola palabas sa bibig nito, ngunit hindi pa rin ito humihinga.

“He then started doing CPR on him and that’s when Jett came back to life! This man saved him. My mom got to the vet and by then Jett was starting to get back to his old self,” kuwento ni Nuckols.

Pinakiusapan naman ni Nuckols ang netizens na tulungan silang mahanap ang good Samaritan upang mapasalamatan.

“Basically, I’m writing this post because my mom and stepdad want to thank him because he’s a hero. She was so frazzled that she forgot to get his name,” aniya.

Lingid sa kaalaman ng pamilya na hinahanap din pala sila sa social media ng construction worker na nakilalang si Cavaja Holt.

“If anyone knows the lady who came by our work zone on Delphine in front of Speedy’s about an hour ago that had the beautiful black German shepherd that had a ball stuck in his throat can y’all please tag her in this?” saad sa post ni Holt.

Nabanggit din ni Holt na ito ang unang pagkakataon na ipinasok niya ang kamay sa lalamunan ng isang aso, at ito rin ang unang beses na binigyan niya ng mouth-to-mouth ang kahit anong nabubuhay na hayop.

Ilang saglit lang ay nagkakonekta rin ang pamilya Nuckols at si Holt matapos kumalat ang kanya-kanya nilang posts tungkol sa insidente.

Tugon ng bayani sa pamilya ni Jett, “We all have to do our part.”