Chihuahua, iniligtas ang buhay ng na-stroke na amo

136
Photo by CarolinaEast Health System

Nakaligtas mula sa stroke ang isang 86-anyos na lalaki, sa tulong ng matalino at masunurin niyang alagang chihuahua sa North Carolina.

Noong nakaraang linggo nang atakihin ng stroke ang Navy veteran na si Rudy Armstrong, na mag-isang naninirahan sa houseboat, kasama ang asong si Bubu.

Lahad ni Armstrong sa WCTI-TV, nakaupo at nagkakape lang siya nang mapagtantong hindi na maigalaw ang kanyang mga kamay at paa.

Nang hindi na rin maabot ang telepono para tumawag ng emergency services, inutusan ng amo ang kanyang alaga na humingi ng tulong.

“I didn’t want to be there for a couple of days before somebody would come by, so I said, ‘Ok Bubu, go get me some help,’” aniya.




Agad umalis ang chihuahua at mabilis ding bumalik kasama ang dockmaster na siyang tumawag ng paramedics.

Makalipas ang limang araw mula nang mangyari ang insidente, muling nagkasama ang mag-amo, batay sa Facebook post ng CarolinaEast Medical Center.

Talk about a #FeelGoodFriday! Navy Veteran Rudy Armstrong recently suffered a stroke while on his houseboat that he…

Posted by CarolinaEast Health System on Friday, August 7, 2020

“I’ve got tears running out of my eyes. Missed her so much man,” sabi ni Armstrong nang makita ang alaga.

Ipinagmamalaki niya rin si Bubu na isa sa dahilan aniya kung bakit nabubuhay pa siya ngayon.