CEO ng ospital sa Iceland, pinasalamatan sa Tagalog ang Pinoy frontliners

7140
Screenshot from Úlfar Harri Elíasson Facebook video

Binigyang pagkilala ng CEO sa isang ospital sa Iceland ang mga Pilipino na nagsisilbing frontliners kontra COVID-19 sa kanilang bansa.

Tinagalog pa ni Dr. Páll Matthíasson ng National University Hospital of Iceland ang kanyang mensahe sa Pinoy health workers sa COVID-19 briefing ng gobyerno nakaraang Lunes, Abril 20.

“Maraming salamat sa pagiging masipag,” pahayag ni Matthíasson sa clip na ibinahagi sa Facebook ni Úlfar Harri Elíasson.

INNITY ADS

“There is a huge number of Filipinas and Filipinos working at the hospital and he thanked them in Tagolog with very nice pronunciation,” saad ni Elíasson sa post.

Nito lamang buwan, nabanggit din ng British TV personality na si Piers Morgan ang maraming Pinoy frontliners sa kanilang mga ospital.




Sa ngayon ay mayroon nang 1,789 kaso ng COVID-19 sa Iceland.