Cavite-Manila ferry boat, bibiyahe na

195
(Photo from DOTr)

Pormal nang sinimulan ang Cavite-Manila Ferry boat service nito lamang Linggo, Disyembre 8, ng Department of Transportation (DOTr) at ng Maritime Industry Authority (Marina) sa layon na maibsan ang bigat ng trapiko sa Metro Manila.

Sa pangunguna ni DOTr Sec. Art Tugade, magkakaroon ng libreng pasahe ang mga pasahero mula Cavite City patungong Cultural Center of the Philippines Port at pabalik.

Nagsimula na noong Lunes, Disyembre 9, ang libre-pasahe hanggang Enero 31, susunod na taon bilang pamaskong handog ayon kay Sec. Tugade.

INNITY ADS

Kasama ng ahensya ang dalawang shipping companies, ang Shogun Ships Co. Inc., at ang Seaborne Shipping Lines Inc., sa maagang pamasko para sa mga commuters.

Samantala, ang normal na pamasahe naman ay dedepende sa ruta ng mga pasahero.




Para sa mga adult passengers, aabot sa P160 hanggang P200 ang pamasahe, P128 hanggang P160 naman para sa mga estudyante, at P114 hanggang P143 naman para sa mga senior citizen at PWDs.

Nasa P80 hanggang P125 naman ang pamasahe para sa mga batang edad 4 hanggang 11-anyos.

Sa ilalim ng programa, pinag-iisipan rin ng DOTr na magkaroon ng ruta pa Tanza, Cavite-Mall of Asia, Naic, at Sangley Airport-Mall of Asia ang naturang ferry boat service.