Bride, binigyan ng groom ng P1M cash sa araw ng kasal nila

713
Courtesy Team Benitez Photography

May forever na, may wedding bonus pa.

Literal na napa-sana all ang maraming netizen sa regalong natanggap ng bride sa araw ng kasal niya.

Sa kuhang litrato ng Team Benitez Photography, makikitang hawak ni Jenny Manapat ang limpak-limpak na salapi na umaabot sa isang milyong piso.

INNITY ADS

At ang tumataginting na pera, galing mismo sa kaniyang groom.

Pero siyempre the best pa rin daw na wedding gift ang wagas na pag-ibig ng boyfriend-turned-husband.




Sa ngayon, umani ng mahigit 12,000 likes at 9,000 shares ang priceless reaction ni Jenny sa naturang handog.