Binatilyo, namigay ng bulaklak sa mga kapwa estudyante noong Araw ng mga Puso

433
(Amy Kathryn Gordon Facebook)

WACO, Texas – Dahil ayaw niyang makakita ng babaeng malungkot sa Araw ng mga Puso, naisip ng isang binatilyo na mamigay ng bulaklak sa bawat babaeng papasok sa kanilang paaralan.

(Amy Kathryn Gordon Facebook)

Kwento ng isang sophomore na si Jayme Wooley, 15, ng Axtell High School, mula noon ay iilan lamang daw ang mga nakikita niyang nakakatanggap ng regalo sa tuwing sasapit ang Valentine’s day.

Karamihan daw sa mga ito ay yaong mga kilala at sikat lamang sa kanilang eskwelahan at ang ilan naman ay yaong may mga secret admirers lang.

INNITY ADS

Para sa kanya, masakit daw sa damdamin na masaksihan ang ibang babaeng walang natatanggap na kahit ano sa pagdiriwang ng espesyal na araw na ito.

“It felt heartbreaking knowing that not every girl was feeling special,” aniya.




Kaya nitong Biyernes, Pebrero 14, sa katatapos lang na Valentine’s day, naghanda ng sorpresa si Wooley para sa mga babaeng estudyante mula ika-6 hanggang ika-12 baitang ng AHS.

Sa tulong ng ina, nakapamili ng 170 pirasong bulaklak si Wooley na iniabot niya sa mga nagdaraang estudyante sa Araw ng mga Puso.

Isa si Kennedi Sherrill sa mga maswerteng nabigyan ni Wooley ng bulaklak.

Sabi niya, “He handed me a flower and I thought it was really special because not everyone gets a flower on Valentine’s Day.”

Labis naman ang tuwa na naramdaman ng ina ni Wooley na si Amy Kathryn Gordon sa ideya ng anak na aniya’y hindi na niya ikinabigla.

“He’s always been that type of kid. It made me very happy that he was thinking about others and how he’s thinking about everybody and not just one girl,” saad ni Gordon.

Dahil sa galak ay ibinahagi niya sa social media ang larawan ng mga nakahilerang bulaklak na inihanda ng anak.

Saad niya sa post, “When your 15 almost 16 year old tells you he wants to buy EVERY girl a flower at school tomorrow so they feel SPECIAL you make it happen!!! ❤️❤️❤️ Proud to be HIS MOMMA!!!! 170 Flowers for 6th-12th Grade!!!”

Samantala, agad namang umani ng papuri ang naturang post kung saan nakatanggap din ito ng libu-libong likes at shares online.