Bilyonaryong Japanese, naghahanap ng girlfriend na makakasamang lumipad sa buwan

3852
Yusaku Maezawa. PHOTO: REUTERS/Toru Hanai

Nananawagan ang bilyonaryong si Yusaku Maezawa sa mga babaeng maaaring maging katuwang sa buhay na sasamahan siyang maglakbay sa buwan.

Inanunsyo ng 44-anyos online fashion entrepreneur na naghahanap siya ng “espesyal” na babaeng makakasamang lumibot sa buwan sa ilalim ng programa ng SpaceX ni Elon Musk.

Si Maezawa ang magiging kauna-unahang sibilyang pasahero ng Starship rocket na nakatakdang lumipad sa 2023.

INNITY ADS

Inanyayahan ng negosyante, na kahihiwalay lang sa aktres na nobya, ang kababaihan na sumali sa “planned match-making event” sa kanyang website.

“As feelings of loneliness and emptiness slowly begin to surge upon me, there’s one thing that I think about: Continuing to love one woman,” saad ng Zozo founder sa website.




“I want to find a ‘life partner’. With that future partner of mine, I want to shout our love and world peace from outer space,” dagdag niya.

Nakalagay sa website ang listahan ng mga kwalipikasyon at iskedyul ng aplikasyong tatagal ng tatlong buwan.

Nangangailan ng babaeng single. may edad 20 pataas, laging positibo at may interes na pumuntang kalawakan.

Isasara ang aplikasyon sa Enero 17 at pipili naman si Maezawa ng makakasama sa Marso.