Kinuha ng ilang mga kabataan ang cellphone ng aktor na si Billy Crawford habang nagpapalit ito ng na-flat na gulong ng kanyang sasakyan sa Pasig City.
Ibinahagi ng kanyang misis na si Coleen Garcia-Crawford sa kanyang instagram post nitong Lunes, September 30, ginagamit umano ni Billy ang cellphone nito bilang flashlight habang nagpapalit ng gulong nang bigla raw itong hablutin ng mga batang dumaan sa lugar.
Kababalik lamang raw nila sa Pinas mula Dubai nang mangyari ang insidente.
INNITY ADS
Saad ni Coleen, “That was only one of the many negative things that happened to him on that day. Many”
Pahayag pa ng aktres, challenging para sa mister ang nangyari dahil wala na umano itong cellphone na gagamitin sa social media at sa trabaho.
“Doesn’t it suck when something tries to steal your joy? It seems like the happier we are, the harder the enemy tries to sabotage it. When you know you’re on the right path—the right attitude, the right mindset—don’t allow anything to bring you down,” giit naman ng aktres.
Ngunit sa kabila ng nangyari ay pinipili pa rin daw nilang maging positibo dahil ito raw ang gusto ng Diyos para sa kanila.
“Rejoice and give thanks in ALL circumstances,” saad pa niya.
Ibinahagi naman ni Coleen ang kanyang natutunan sa nangyari.