Batang lalaki, inimbita ang buong klase para masaksihan ang pag-aampon sa kanya ng isang mag-asawa

259
(Kent County, Michigan / Facebook)

Dinala ng isang batang lalaki Mula Michigan, US ang buong klase para masaksihan ang adoption hearing para sa kanya nitong Huwebes, Disyembre 5.

Ginanap ang hearing sa Kent County’s annual Adoption Day kung saan makikita ang batang si Michael Clark Jr., at ang mag-asawang kukupkop sa kanya na sina Andrea Melvin at Dave Eaton.

Sa ibinahaging post ng county’s official page, makikita rin ang kanyang mga kaklaseng tila sumusuporta at ipinagdiriwang ang araw para kay Michael.

INNITY ADS

Kasama ng mga ito ang kanilang mga magulang hawak ang mga pusong gawa sa papel habang nasa likuran.

Isa lamang si Michael sa 37 batang nabigyan na ng sariling pamilya nitong Huwebes.




Ayon sa post ng Kent County, “There is not a dry eye on Judge Patricia Gardner’s courtroom.”

Samantala, isinasagawa ang hearing bilang proseso ng pag-aampon sa mga bata.

Binibigyan ng korte ang bawat pamilya ng ilang minuto habang ginagawa ang proseso.

Nakatanggap naman ng pagbati si Michael mula sa isa sa mga sponsors ng Adoption day.

Sabi nito sa kanyang post, “It’s adoption day at the courthouse — the BEST day of the year! Congratulations to Michael and his family . . . so cool that his entire class came to support him!”