Batang bulag, naghandog ng P4-M para sa mga cancer patients

117
(Image: Andy Commins / Daily Mirror)

GATESHEAD, England – Sa kabila ng pakikipaglaban sa cancer, nais ng isang 11-anyos na batang bulag na maglikom ng malaking halaga para i-donate sa mga cancer patients gaya niya.

Nakakolekta ng nasa £60,000 (4,000,000php) si Jack Thompson kasama ang CLIC Sargent charity na siya ring tumulong at sumuporta sa kanya sa halos isang dekada.

Nasa ika-pitong session na sana ng chemotherapy si Jack ngunit mas pinilli niyang maghandog ng nalikom na halaga para sa isang masayang pasko sa mga mahihirap na nakikipaglaban din sa malubhang karamdaman.

INNITY ADS

Apat na taon makalipas nang simulan ni Jack ang naturang event.

Sa isang palengke at noo’y ginaganap ang isang family day, nakalikom siya ng £1,000.




Sunod-sunod na fundraising pa ang ginawa ng naturang bata at ilang selebrasyon gaya ng birthdays, maging ang weekends ang kanyang pinalampas para makalikom ng halaga.

Ayon sa lola ni Jack, “Every single opportunity he can, he’s thinking how he can raise more. He’s even set up a tuck shop at his karate class – he’s literally left no stone unturned.”

Para kay Jack, ang bawat halaga na nalilikom niya ay pwedeng makapagbago ng isang buhay.

“I want to do anything I can to make other families dealing with cancer have an amazing Christmas. Every day I feel so lucky to be here, with so many people to meet and so much I can do to make the world better,” aniya.

Isinilang na bulag si Jack at taong 2008 nang siya ay masuriang mayroong brain tumor.

Sumasailalim siya sa chemotherapy, umiinom ng anim na chemo pills at chemo injection naman para sa kanyang katawan.

Hangga’t malakas raw siya, hindi siya titigil tumulong sa mga mahihirap at walang kakayahang mapagamot ang kanilang karamdaman.