Babaeng pitong buwang buntis, ‘pananagutan’ ng apat na boyfriend

4347
Courtesy Barcroft TV

JACKSONVILLE, FLORIDA – Pinag-uusapan ngayon online ang istorya ng isang dalagang umaming may apat na magkakasabay na karelasyon at kasama niya pa lahat sa iisang bubong.

Sa panayam ng British news agency na Barcroft TV, buong tapang na humarap at ikinuwento nina Tory Ojeda, at mga nobyong sila Marc, Travis, Ethan, at Christopher ang kanilang wagas na pag-ibig.

Unang naging boyfriend ng 20-anyos na babae si Marc, 18, na kaklase niya noon sa highschool.

INNITY ADS

Makalipas ang dalawang buwan, sinagot ng dalaga si Travis at agad umano siyang na-engage dito.

Kalaunan, pinapasok ni Tory sa kaniyang buhay ang 22-anyos na magkaibigang Ethan at Christopher.




Sa gitna ng pakikipagrelasyon sa apat, nadiskubre ng babae na siya ay nagdadalang-tao.

“Chris is the biological father. Based off of the approximate conception day, we had been on vacation. But as far as I guess, socially goes, we’re all raising the baby together, so everyone’s dad.”

Pag-amin ng “polyamorous girlfriend”, matagal bago natanggap ng kani-kanilang pamilya at kaibigan ang istilo ng “kakaibang relasyon”. Madalas din silang pagtawanan at husgahan ng publiko.

Pero sa kabila ng pangungutya, nananatili ang respeto at katatagan ng pagmamahalan nila lalo na at may paparating na wonderful blessing.

Panoorin ang kabuuan ng love story nina Tory, Marc, Travis at Christopher: