Aso, iniligtas ang kawan ng mga tupa mula sa bushfire sa Australia

152
Patsy the Corryong Wonderdog. Image via Instagram

Habang nagsusumikap ang mga tao na labanan ang mapaminsanlang wildfire sa Australia, ginagawa rin ng mga hayop ang kanilang makakaya.

Bayaning maituturing ang asong si Patsy matapos tumulong na lipunin ang kawan ng mga tupa sa Corryong, Victoria nang sumiklab ang apoy noong Disyembre 31.

Sa Facebook post ni Cath Hill, ikinuwento niyang dinala ng kanyang kapatid at ni Patsy ang mga tupa sa ligtas na bahagi nang mangyari ang insidente.

INNITY ADS

Matapos masigurong ligtas na ang mga hayop, pinigil naman ng kapatid ni Hill ang apoy gamit ang traktora at tangke ng tubig.

Ligtas lahat ng tupa at hindi rin natupok ang mga dayami, shearing shed at dalawang farm house.




Kasunod ng insidente, nagbahagi si Hill ng bidyo ni Patsy sa nasunog na damuhan, habang nasa likod nito ang kawan ng mga tupa.

Ginawan din ng amo ng Instagram account ang 6-taon gulang na border collie-Australian kelpie mix sa pangalang “Patsy the Corryong Wonderdog”.

Sa isa pang post sa naturang account, makikita ang apoy na sumiklab sa taniman nina Patsy at ng pamilya.

Gayunpaman, ipinaalam ni Hill sa publiko na ligtas si Patsy at iba ang buong pamilya nila.

Nakasaad din sa post ang mga maaaring padalhan ng donasyon para sa mga relief operation gaya ng BlazeAid, Red Cross Australia at Wildlife Victoria.