Asawa ni Ai Ai delas Alas na si Gerald Sibayan, isa nang ganap na piloto

697
(Ai Ai delas Alas Instagram)

Isa na ngang ganap na piloto ang mister ng Comedy queen and actress Ai Ai delas Alas na si Gerald Sibayan.

Ibinahagi ni Ai Ai sa kanyang Instagram account ang graduation ni Gerald nito lamang Martes na ginanap sa Subic.

Matapos ang mahigit isang taon ay malaki ang pasasalamat ni Ai Ai na nagpursige ang kanyang mister sa pag-aaral.

INNITY ADS

Aniya, “Congratulations capt Gerald Sibayan. I am so proud of you my husband. Salamat sa tyaga at dedication mo pagiging piloto mo.”




Sa larawan ay makikita rin ang mga magulang ni Gerald at si Ai Ai.

Dagdag niya sa kanyang post, “Masayang masaya ako dahil parate mong naiisip ang future naten. And sabi nga “the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams” and na fulfill ko na ang dream mo kaya fly high my love.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Gerald sa asawa na naging parte umano ng kanyang journey.

Saad niya, “Thank you my wife i love you so much darling 😘😘😘.”

Samantala, maaalalang kinasal ang dalawa noong Disyembre 2017 matapos ang tatlong taong pagiging magkasintahan.