Angeline Quinto, naghandog ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal

189
(Angeline Quinto Instagram)

Personal na nagpunta ang singer na si Angeline Quinto sa Cavite at Batangas para maghandog ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Sa Instagram account ng singer, ibinahagi niya ang ilang larawan ng pagtulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang truck ng grocery items at mga damit sa mga evacuees.

Ani singer sa kanyang post, “Nandito po kami para sainyo. Magtutulungan at iisang Pamilya Tayo🙌🙏❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ Maraming Salamat din po sa mga nag abot ng tulong.”

INNITY ADS

Dagdag niya, “Maraming Salamat din po sa mga nag abot ng tulong.”

Binisita ni Angeline ang dalawang evacuation center sa Nasugbu, Batangas at Alfonso Cavite, Enero 15, Miyerkules.




Dito ay makikita si Angeline habang personal na iniaabot sa mga evacuees ang mga ipinamimigay na grocery items.

Marami ang humanga sa ginawa ng singer na hindi nagdalawang-isip na tulungan ang mga biktima ng pagsabog.

“A person with a good heart may god bless you always my queen 🙏❤️❤️❤️,” sabi ng isang nagkomento.

Samantala, mula nang mag-alboroto ang bulkang Taal ay sunud-sunod na pagtulong na rin ang hatid ng iba’t ibang personalidad na karamihan ay personal pang iniaabot ang kanilang handog para sa mga apektado ng Taal eruption.