Alden Richards, napiling ‘BIDA champion’ ng DOH laban sa COVID-19

54

Itinalaga ng Department of Health (DOH) ang binansagang “Asia’s Multimedia Star” na si Alden Richards bilang BIDA solusyon ambassador, isang kampanya ng ahensiya laban sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Layong ipaalala ng Kapuso star sa sambayanan ang kahalagahan ng acronym na BIDA ngayong panahon ng pandemya.

Ang ibig sabihin ng BIDA ay “B”awal walang mask, “I”-sanitize mga kamay, “D”umistansya ng isang metro, “A”lamin ang totoong impormasyon.”

Labis naman ang pasasalamat ng TV host-actor sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ng kagawaran.

“Masaya ako to be part of this campaign kasi parang nabibigyang-paalala ang mga tao to lessen the cases of COVID-19 in the Philippines and all over the world. We should really follow strict protocols,” sabi ni Richards sa panayam ng 24 Oras nitong Huwebes.




BIDA Solusyon sa COVID-19!

Samahan ang ating BIDA champion na si Alden Richards talunin ang COntraVIDa! Panoorin ang video na ito upang malaman kung paano.Para sa iba pang detalye, i-like na ang BIDA Solusyon sa COVID-19 Facebook page!#BeatCOVID19#WeHealAsOne

Posted by Department of Health (Philippines) on Thursday, July 9, 2020

Samantala, naitala ngayong araw, Hulyo 10, ang pinakamalaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang DOH ng 2,539 na panibagong kaso ng coronavirus infection.

Bunsod nito, umakyat na sa 50,359 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa nakalipas na limang buwan.