Alagang aso, pinrotektahan ang 3-anyos na naligaw sa kakahuyan hanggang dumating ang pulisya

881
IMAGE: Facebook/Suwannee County Sheriff’s Office

“Very good boy” ang isang alagang aso matapos nitong bantayan ang 3-taon-gulang lalaki na nawala sa kakahuyan sa Florida, USA, hanggang sa dumating ang awtoridad.

Tumawag sa 911 ang nanay na bata para iulat na nawawala ang kanyang anak na naglalaro lamang noon kasama ng mga kapatid, ayon sa Suwannee County Sheriff’s Office noong Martes.

Sinabi ng nanay na nawawala rin ang alaga nilang si Buddy na hinihinalang kasamang lumayo ng paslit.

INNITY ADS

Rumesponde sa kanilang bahay ang patrolya at mga imbestigador kasama ang K9 units na katulong sa paghahanap.

Ilang saglit pa, nakatanggap ng tawag ang 911 mula sa isang residente sa lugar na nakakita raw ng bata at aso sa gubat.




Ayon sa tumawag, hindi raw siya hinahayaan ng aso na makalapit sa batang lalaki.

Kalaunan, naibalik din ang bata sa kanyang nanay, salamat sa alertong kapitbahay at kay Buddy na isang “man’s best friend.”

Umani ng 80,000 likes at 70,000 shares ang post ng sheriff’s office tungkol sa nangyari.