
Binisita ng kilalang Syrian vlogger na si Basel Manadil ang isang 82-anyos na nagtitinda ng balut sa Biñan, Laguna para bigyan ng surpresa.
Matapos makatanggap ng retrato ng lalaking kinilala bilang si Lolo Fernando at nang marinig ang kanyang kwento, agad na hinanap ni Manadil ang lokasyon nito.
Sa ibinahagi niyang Facebook post, sinabi nitong malambot raw ang kanyang puso pagdating sa mga matatanda.
Aniya, “I have soft spot sa mga elders, na sana ay nagrerelax nalang while on their golden age pero in reality marami pa din sakanila ang kumakayod para sa pamilya.”
Mismong araw na malaman ang storya ni Lolo Fernando, agad nagtungo sa lugar si Manadil at makalipas ang ilang oras na byahe, naabutan niya ang lalaki na nagtitinda pa rin sa dis-oras ng gabi.
“Pinakyaw ko na lahat ng paninda, x3 ng presyo at kinuha ko na lahat ng paninda at inihatid si lolo ng safe sa kanyang bahay to make sure hindi makulit si lolo at ititinda pa din nya ang kanyang mga balut.😅” kwento niya.
Labis naman ang paghanga ng netizens sa kabutihang ginawa ni Manadil.
May nakapagsabi, “Thanks Basel for being such a good person! I’m praying that you stay healthy and successful so that the Hungry Syrian Wonderer can continue helping the needy Filipino people!
God Bless!”
Kasalukuyan ng mayroong 22K likes at 2.1K shares ang naturang post online.
RELATED STORIES:
68-anyos na gasoline boy, nakatanggap ng regalo mula sa isang Syrian vlogger
PANOORIN: Syrian YouTuber, naghandog ng 1K kumot, tent para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao