80-anyos ginang, ipinagtanggol ang 35-anyos na kasintahan laban sa sinasabing ‘pera ang habol nito’

703
(Picture: Iris Jones)

WESTON, Florida – Itinanggi ng isang 80-anyos na ginang na pera ang dahilan kaya nakipagrelasyon ang kanyang 35-anyos na kasintahan.

Isa lamang si Iris Jones sa mga babaeng may edad na hindi pa isinasara ang puso pagdating sa relasyon.

Ibinahagi ni Iris na sa loob ng dalawang Linggo, nabihag ang kanyang puso sa isang 35-anyos na lalaki na si Mohamed Irbriham na taga Egypt.

INNITY ADS
(Picture: Iris Jones)

Inamin daw ni Mohamed ang kanyang pagtingin sa ginang na isang retired cleaner.

Mabilis na nangyari ang lahat at noong Nobyembre, lumipad patungong Cairo, Egypt si Iris para makita si Mohamed.




Naging magkasintahan ang dalawa at sa kabila ng kagustuhang makapagpakasal sa Cairo ay hindi pumayag ang British Embassy dahil kailangan niya umano ng divorce papers bilang katunayan na puwede na siyang magpakasal muli.

Ikinuwento rin ni Iris na mayroon na ring basbas ng 70-anyos na nanay ni Mohamed ang kanilang pagsasama.

Samantala, nag-iipon na rin ang dalawa para sa pagpapakasal ngunit sa kasmaang-palad nawalan ng trabaho si Mohamed.

Giit nito, hindi raw pera ang habol niya sa kasintahan dahil ito raw ay wala namang pinagkakakitaan maliban sa maliit na pensyon na natatanggap nito.

Ani Mohamed, “Love has no age and knows no limits. Iris and I found we understood each other well and felt the tenderness.”

Wala raw siyang pakialam sa sinasabi ng iba.

“I do not care about anyone’s opinion – only what feels good to me,” giit niya.

Sa kabilang banda, maging ang mga anak ni Iris na sina Steve, 54 at Darren, 53 ay nag-aalala rin daw sa relasyon ng dalawa ngunit nasisiguro naman daw niya ang suporta at pagmamahal ng mga ito.

Sa huli ay sinabi ni Iris na sa ngayon ay gusto lang niyang pakasalan at makasama ang lalaking mahal niya.

Sabi niya, “I’ve spent years making other people happy, now I just want to marry the man I love before I die.”